23 Abril 2025 - 11:55
May balak ang rehimeng Israel para pasabugin ang Masjid Al-Aqsa!

Ang mga Zionistang mananakop ay naglabas ng nakakagulat na footage ng sumasabog na Al-Aqsa Mosque sa tulong ng Artificial Intelligence.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Naglabas ang mga Zionistang mananakop ng nakakagulat na footage ng pagsabog, bilang pagtatatngka sa Masjid ng Al-Aqsa, sa tulong ng Artificial Intelligence.

Nagsimula ng bagong kabanata ng sikolohikal na digmaan, ang mga Zionist ay naglathala ng isang footage sa pamamagitan ng kanilang mga platform na naglalaman ng nakakagulat na eksena ng pagsabog ng Al-Aqsa Mosque at sa halip ay itayo ang inaangkin na templo ng mga Zionist. Kasabay nito, libu-libong mga Zionist settler ang sumalakay sa mga patyo ng Al-Aqsa Mosque noong nakaraang linggo upang ipahiwatig ang mapanganib na pagbabago sa kurso ng mga salungatan.

Dahil dito, kinondena ng Egypt noong Linggo ang mapanuksong mga kahilingan ng mga ekstremistang organisasyong Zionista para sa pagsabog ng Masjid ng Al-Aqsa at Qubbat Al-Sakhra (Dome of the Rock) nito. Ang opisyal na pahayag ng Egyptian foreign ministry ay mahigpit na kinondena ang mga extremistang mga demanda na ito na malinaw para pumukaw sa damdamin ng 2 bilyong mga Muslim sa buong mundo.

Ang Ehiptong Dayuhang Ministri ng Panlabas ay nanawagan sa internasyonal na komunidad para gumawa ng agarang aksyon para sa pagpapahinto sa mga hakbang ng mga Zionistong rehimen na kung saan labag talaga daw ito sa internasyonal na mga tuntunin at regulasyon.

Si Majdi Ahmad Hussein, isa siyang analista at editor-in-chief ng daily Al-Shaab, ay nagsabi sa isyu na ito, "Tayo ay nasa isang pinaka-mahusay na labanan."

Pansinin niya, na ang mga pag-atake laban sa Islam ay masyado nang tumaas kumpara sa noong mga nakaraang taon, idinagdag pa niya, "Ang unang tungkulin ng mga Muslim ay ipagtanggol ang mga lupain ng Islam."

Sa kabilang banda, sinabi pa ni Fawzia Al-Ashmawi, dating diplomat ng Ehipto, na ang pagkakaroon ng rehimeng Zionista ay nakabatay sa digmaan, pagkawasak at pagdanak ng mga dugong Muslim, at idiniin pa niya, "Ang interbensyon ng pamayanan sa pagdaigdigang isyu ay hindi naging sapat upang pigilan ang mga pag-atake at pagbabanta ng mga Zionista at ito ay naging sanhi na ng mga kahilingan ng mga Zionistang identidada na ito upang pasabugin nila ang Masjid Al-Aqsa."

Ang rehimeng Zionista ay naglunsad ng heyomonikang mga hakbang laban sa Al-Qods at sa Masjid ng Al-Aqsa, habang ang UNESCO naman, noong 2016, ay niratipikahan ang isang resolusyon kung saan ang anumang makasaysayang at relihiyosong ugnayan ng mga Hudyo sa mga sagradong lugar, lalo na ang Masjid Al-Aqsa, ay ibinukod at ang moske na ito ay isang sagradong lugar para lamang sa mga Muslim.

Ang lungsod ng Al-Qods, na kung saan nagtataglay din sa Masjid ng Al-Aqsa, bilang kauna-unang Qibla ng mga Muslim, ay isang hindi mapaghihiwalay na bahagi ng Palestine at ang pangatlong mahalagang lugar sa tatlong Islamikang sites [ang dalawa pa nito ay Mecca at Medina].

Ang banal na lungsod na ito ay inookupahan mula noong 1967 ng hindi lehitimong entidad, na tinatawag na Israeling entidad.

………………

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha